Anong Meron Sa Caliraya, Na Google mo ba?
Syempre pag nag inquire ka check mo price, kausapin ng malambing yung receptionist, tapos medio dadrama ka ..
Me : (titingin sa relo) Aba lagpas na pala ng check-in time noh? Receptionist: Opo ma'am
Me: Baka pwede mo naman ate bigyan ng discount since pagabi na rin , medio unfair yung rate kasi di naman namin nasulit tapos same check-out lang..
Note** Pag pumayag goods yun, then follow check out time next day.. or else scenario two ... extend nio check-out time if same rate ....
Receptionist: sige ma'am may 10% discount
Me: Ay pwede muna makita room bago kami magbayad?
Note ulit ** syempre check mo room kung reasonable nga sa price at kung maayos at malinis, para malaman mo kung worth it ba yung bayad at para syempre habang tinitignan mo e mapaapisip sila or masasayangan sila pag di mo tinuloy check-in nio , diba ??!!!
Ayun tapos, syempre nakapasok na kami sa loob,bayad bayad din on spot .. At ito ung kyot (cute) sa part ng Tinyhouse nila dalawa kasing klase yun, parehas na aircon ung may TV mas mahal ng 2,000php , yung walang TV e regular rate.. So dun kana sa walang TV kasi may Cellphone ka naman eh, medio pangit signal ng Globe ha pero syempre okay Smart .. Pangbundok yun eh)
Eto nga pala yung loob ng tiny house ..Oh wag ka mag expect na maluwag ha , tiny nga eh..Ayun , tapos yung nature maganda. May libre kang 1 hour kayak kasama sa room rate na halos 7,000php pero syempre baka iba na rate pag nabasa nio ito , depende sa buwan kung kailan ka nagpunta at kung may promo. Walang internet ha, so kung workaholic ka gaya ko dala ka sarili mong prepaid router.
Mga good things or positive things na nakita namin sa Caliraya lake sa Surf Kamp section lang ha hindi sa mismong Caliraya lake kasi mahaba ito tabi tabi ..
* maganda talaga sya kung nature ek ek trip mo, nature feels literal
* maganda talagakahit maulan maganda naman panahon,more on lakad nga lang sa loob ng camp
meron restaurant kaso italian food lang, medio mahal din pero good for two food nila
malinis naman yung tiny house,lakas maka"bucket list check at instagram post
Mga bagay lang na di namin gusto based on experience namin , ito ay feedback lang namin bilang guest ha pero don't take our word from it kasi baka nagevolve na service nila
sira sink faucet need pa namin ayusin at yung flush ng toilet
wag nio iiwan bukas yung sliding door or yung small window sa may toilet kasi ang lalaki ng lamok grabe haha malamng tubig tabang ung lake so expect nio na
huwag kayo mag camp sa labas ng tiy house pag alam nio na RAINY SEASON kasi di nio maeenjoy sobrang putik e
expect nio may cut-off yung order sa restaurant mga 7pm or 8pm, pwede ka naman lumabas pero wala rin mabibilan sa kalsada kasi aga matulog ng mga tao or lokal
walang fridge sa tiny house so madaling mangamoy yung food nio kung kakain kayo sa loob kasi maliit nga lang yung trailer truck
wala po sila landline sa loob ng tiny house so kung may uutos ka lakad ka palabas papunta sa main entrance para maasikaso ka sa needs mo sa room
So ayun, medio malayo byahe from Metro Manila . almost 3 1/2 hours din yata around 87 kilometer from Alabang Muntinlupa
So eto na may mga cute naman na pusa ako nakita hahah
tapos eto nga pala yung nature feel nya
So ayun lang, sana nakatulong yung kwento ko, minsan kasi OVERRATED mga lugar kaya always DO YOUR OWN RESEARCH parin
i-enjoy nio lang lagi buhay at ang kalikasan
Nga pala subscribe kayo sa www.youtube.com/c/KulotatKindat
Subscribe din kayo sa https://www.youtube.com/channel/UCCsF1BPhdHufHI2HQ9uE5hw
and visit www.facebook.com/KapeRamdam
Comments
Post a Comment